LYON, France (AP) — Pinataob ni second-seeded Jo-Wilfried Tsonga si Nikoloz Basilashvili ng Georgia para makausad sa clay-court final sa Lyon Open sa unang pagkakataon nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Hataw si Tsonga sa naiskor na 14 ace at na-saved ang walo sa 10 break points tungo sa 6-2, 3-6, 6-1 panalo.

Makakaharap ng Frenchman, umakyat sa No.25 sa ATP ranking, si third-seeded Tomas Berdych, nagwagi kay top-seeded Milos Raonic 7-6 (5), 7-6 (2).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA