Ipinupursige nina ACT Teachers Party-List Representatives Antonio Tinio at France Castro ang P2,500 dagdag sa “chalk allowance” ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Inihain nina Tinio at Castro noong nakaraang Hunyo ang House Bill 474 o “Teaching Supplies Allowance Act” para itaas mula P2,500 sa P5,000 ang cash allowance na ipinambibili ng mga chalk, eraser, form, at iba pang supplies at materyales sa silid-aralan. Kilala sa tawag na “chalk allowance,” ibinibigay ang nasabing pondo taun-taon sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya.

Inaprubahan ng Senado nitong Martes sa ikalawang pagbasa ang katumbas ng HB 474. Target nilang maaprubahan ito sa pinal na pagbasa sa susunod na linggo bago magbakasyon ang Kongreso. (Merlina Hernando-Malipot)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji