CONCEPCION, Tarlac - Mahigpit na tinutugis ng mga operatiba ng Concepcion Police Station ang dalawang armado na nang-agaw sa service firearm ng isang security guard sa supermarket sa Barangay San Nicolas sa Concepcion, Tarlac nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay PO1 Emil Sy, inagawan ng .38 caliber revolver si Jose Andaya, 28, binata, tauhan ng Exocet Security Services Corporation sa Robinsons Easymart, at residente ng Bgy. Sta. Barbara, San Antonio, Nueva Ecija.

Pinaniniwalaang mga miyembro ng Agaw-Armas Gang ang tumangay sa baril ni Andaya bandang 1:40 ng madaling araw.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog