Matapos putulin ang kanyang biyahe sa Russia para tutukan ang gulong nangyayari sa Mindanao, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nakatakda niyang pagbisita sa Japan sa Hunyo ang magiging huling biyahe na niya sa ibang bansa bilang chief executive.
Sinabi ni Duterte, nagpahayag na hindi maganda ang epekto sa kanyang katawan ng mahahabang paglalakbay, na pagod na siya sa pagbibiyahe.
“I have to go to Japan. The plane is very expensive. I’ll look for another cheaper way of going there,” aniya. “But this will be my last. I won’t travel anymore after this. Pagod na talaga ako.”
Ito rin ang naging pahayag ni Duterte nang dumalo siya sa dalawang araw na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) forum sa Lima, Peru noong Nobyembre, 2016.
Bukod sa Japan, nakapaglakbay na si Duterte sa siyam na bansa sa nakalipas na tatlong buwan pa lamang.
Bumisita siya sa Myanmar at Thailand noong Marso; sa Kingdom of Saudi Arabia, Kingdom of Bahrain, at State of Qatar nitong April; at Cambodia, Hong Kong, China, at Russia ngayong buwan.
Dadalo si Duterte sa isang pandaigdigang pagpupulong sa Hunyo 5 hanggang 7 at makikipagpulong kay Japanese Prime Minister Shinzo. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)