Nalapnos ang balat ng tatlong construction worker nang aksidenteng madikit sa live wire sa poste ng kuryente sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Sabay-sabay isinugod sa San Juan De Dios Hospital sina Alfredo Catacutan, 22, ng No. 393 San Agustin, Magalang, Pampanga; Adrian Manalili, 37, ng Batasan Araya; at Ernesto Casero, 27, ng Tromagalang.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Alfredo Aquino, Jr., ng Station Investigation Detection and Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, bandang 10:00 ng umaga nangyari ang aksidente sa ikaapat na palapag ng Mt. Era Star Construction Site, sa panulukan ng F.B Harrison Street at Hernandez St., Barangay 76, Zone 10.

Abala sa pagkukumpuni ang tatlong biktima nang madikit ang iron bar, na hawak ni Catacutan, sa isang live wire na naging sanhi ng pagliyab ng bakal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makalipas ang ilang segundo ay tumilapon ang mga biktima at nagtamo ng mga sugat at lapnos sa katawan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)