Nagbabala ang isang human rights group na ang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao dahil sa alegasyon ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City ay maaaring pasimulan ng nationwide crackdown.

Sa isang pahayag na inilabas kahapong madaling araw, sinabi ng human rights group na Karapatan na ang deklarasyon ng martial law sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at sa buong Mindanao habang naroroon sa Russia si Pangulong Duterte ay “overkill”.

Ang deklarasyon ay inilabas bandang 10:00 ng gabi nitong Martes, na ‘tila suhestiyon ng military officials, pagkatapos ilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-atake laban sa Maute na nakisanib-puwersa kay Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf.

“Karapatan strongly protests Duterte’s martial law declaration, emphasizing that it will not address the circumstances of the current situation in Marawi, but will aggravate the insecurity in the area. Martial law is not the answer; it will never result to anything but gross violations of people’s rights,” argumento ng human rights watchdog.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

OVER ACTING

Sa kabila ng mga nagaganap sa Marawi City, iginiit ng Karapatan na ang pagdedeklara ng martial law ng presidente ay hindi kailangan at maling pagtugon sa sitwasyon.

Samantala, tinawag kahapon ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na “OA” o over acting si Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao.

Binatikos ng BMP ang administrasyon nang ipagmalaki ni Duterte na ang kanyang Martial Law ay hindi naiiba sa kalupitan ng batas militar ng yumaong diktador na Marcos.

Sinabi naman kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV na ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng martial law sa buong Mindanao ay “causing unnecessary panic”, at walang basehan.

TODO SUPORTA

Kasabay nito, idinepensa naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang nasabing desisyon ng Presidente dahil ang “terrorists are everywhere”.

At bagamat todo ang suporta ng karamihan ng mga senador sa batas militar na idineklara ng Pangulo, iginiit ni Sen. Chiz Escudero na kailangang ipaliwanag ng Presidente sa Kongreso, sa loob ng 48 oras, ang pagdedeklara nito ng 60-araw na martial law sa Mindanao.

“Hindi kailangang i-confirm ng Kongreso o i-affirm ng Kongreso ang deklarasyon ng Pangulo. Ang puwede lamang gawin ng Kongreso ay i-revoke o kapagka hiniling ng Pangulo, i-extend ito (martial law),” ani Escudero.

(Chito Chavez, Bella Gamotea, Hannah Torregoza, Charissa Luci-Atienza at Leonel Abasola)