TINAPOS ni Leo Avenido ang dalawang taong pagkabakante matapos ipahayag ang pagbabalik-aksiyon bilang playing-coach ng bagong koponang Gamboa Coffee Lovers sa PBA D League.

Huling naglaro ang 36-anyos na si Avenido noong 2015 PBA Governors Cup para sa koponan ng KIA Carnival.

Nakapaglaro din ang 6-foot-2 forward sa Asean Basketball League kung saan tinanghal siyang Most Valuable Player noong 2012 bilang manlalaro ng San Miguel Beermen.

Maliban sa pagiging 10th overall draft pick ng Coca Cola Tigers noong 2002, makakasama ng dating FEU Tamaraw sa Coffee Lovers sina Marcy Arellano, Jens Knuttel, Val Acuna, Ken Acibar, Gino Jumao-as, Jett Vidal, Mark Sarangay, Jayson David, Storm Riva, Alvin Padilla, Abubakar Dadjilul, Mark Montuano, at Joemari Lacastesantos. (Marivic Awitan)

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'