GINAPI ng Lyceum of the Philippines ang kapwa NCAA squad at dating walang talo na Jose Rizal University, 95-87 , para sa ikaapat na panalo sa Group A ng 2017 FilOil Flying V Pre-Season Premier Cup nitong Lunes sa FilOil Flying V Centre.

Dahil sa panalo, nabawi ng Pirates ang top spot sa kanilang grupo sa pag -angat nila sa barahang 4-1, habang bumaba naman ang Heavy Bombers sa 3-1 kartada.

Muling pinangunahan ni CJ Perez ang LPU sa isinalansan na 24 puntos, 12 rebound, dalawang assist, at isang steal habang nag-ambag naman si Wilson Baltazar ng 19 puntos.

“We did not do anything special for this game. It is just playing together without the mistakes that we did against La Salle. So, it just got us into this game,” pahayag ni coach Topex Robinson.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umaasa si Robinson na magpapatuloy ang magandang larong ipinapakita ng Pirates hanggang sa NCAA. “They deserve to be here. It is about doing it the right way. We always move the right way, we always play the right way. Whether we win or we lose, we always do things the right way.”

Nanguna naman si Ervin Grospe na tumapos na may 21 puntos para sa Heavy Bombers. (Marivic Awitan)