Coco at Yassi copy

MASYADONG intense ang mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano nitong nakaraang Lunes habang nagsasaya sina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) kasama ang mga bisita sa kasal nila ay nakamasid naman sa pali-paligid si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) na hindi nakilala dahil naka-disguise at balbas-sarado.

Kung hindi naagapan ng mga pulis na kaibigan ni Cardo, tiyak na sumabog na ang buong venue ng kasal nila.

Pero napigilan man ang pagsabog, noong paalis na mga ang mga bagong kasal papunta sa kanilang honeymoon at nakasakay na si Alyana sa bridal car, hindi napansing si Joaquin pala ang driver. Huli na ang lahat nang makilala si Joaquin at saka nito pinatakbo ang sasakyan na ikinagulat ng lahat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

After ng cliffhanger ng episode last Monday, ipinapakita sa teaser habang rumorolyo ang credits na nakasakay na ng motorsiklo si Cardo na sinabihan ni Joaquin ng, “Habol, Cardo, habol!”

Sa pagpapatuloy ng kuwento kagabi, tiyak na action-packed sina Cardo at Joaquin.

Habang tinitipa namin ang balitang ito, ayay magsalita ang Dreamscape insiders na tinanong namin kung kagabi o ngayong gabi na ba mamamatay si Joaquin.

“Remember, marami pa ang posibleng mangyari,” pambibitin sa amin.

May duda ang isang kakilala namin sa Dos na si Alyana ang mamamatay, at ito raw ang magiging dahilan para bumalik sa pagkapulis si Joaquin para tugisin ang lahat ng may kaugnayan kay Joaquin, tulad ng lolo nitong si Don Ramon (Eddie Garcia) na tuloy pa rin ang operasyon sa sindikato kahit nakapiit na sa Bilibid.

Samantala, nag-post ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde ng litrato nilang dalawa na may caption na, “Of all the roles you’ve played, it’s my brother you’ve done the best. But of course, Joaquin comes close. Definitely the best villain of our generation. #FPJAPSingilan tonight on ABS!” (REGGEE BONOAN)