STRASBOURG, France (AP) — Sinimulan ni Caroline Garcia ang pagdepensa sa Strasbourg International title sa impresibong 6-3, 6-4 panalo kontra Jennifer Brady, habang nag-witdraw dulot ng injury si top-seeded Caroline Wozniacki nitong Lunes (Martes sa Manila).
Naghahabol si Wozniacki, dating world No. 1 at ranked 12th, kay Shelby Rogers ng U.S. 7-6 (8), 1-0 nang isuko niya ang laban bunsod nang labis na pananakit sa likod – anim na araw bago ang pagbubukas ng Grand Slam event French Open.
“I came back and had my chances to win that first set, and then I started feeling my back,” pahayag ni Wozniacki. “I felt it kind of in the middle of the first set. At this point, it’s importtant for me to try and get ready for the French Open and be 100 percent for that.”
Mula sa matikas na kampanya sa pagsisimula ng season sa Doha, Dubai, at Miami, inalat ang laro ni Wozniacki sa European clay kung saan magaan siyang napatalsik sa Prague at Madrid. Hindi siya naglaro sa French Open sa nakalipas na taon dahil sa injury sa kanang paa.
Umusad din sa second round sina Peng Shuai kontra Frenchwoman at Wild card Alize Cornet, 3-6, 7-5, 6-1 at nagwagi si Pauline Parmentier kay Madison Brengle 6-1, 4-6, 7-6 (4).
Samantala sa Nyon, France, naisalba ni fifth-seeded Gilles Simon ng France ang pito sa walong break point kontra Daniil Medvedev ng Russia para makausad sa second round ng Lyon Open nitong Lunes (Martes sa Manila).
Nangailangan si Simon nang matibay na dibdib sa loob ng mahigit dalawang oras at basagin ang service play ni Medvedev tungo sa 7-5, 6-7 (5), 6-2 panalo sa clay-court event.
Idinagdag ang Lyon sa calendar ng Tour bilang kapalit ng Nice Open – ang tradisyunal na torneo bago ang French Open.