Posibleng maging bagyo ang namumuong low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing LPA ay namataan sa layong 300 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Inihayag ng PAGASA na makararanas ng malakas na ulan ang mga lugar sa hilagang Luzon, katulad ng Ilocos Region at Cagayan Valley, gayundin ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Central Luzon bunsod ng LPA.

Ilang bahagi naman ng Metro Manila at mga karatig na lugar ang makararanas ng maaliwalas na panahon sa umaga, habang iiral naman ang manaka-nakang pag-ulan pagdating ng hapon.

DepEd, isinusulong ang kahalagahan ng rights-based education

Kapag nabuo ang LPA bilang bagyo, tatawagin itong “Emong”, ang ikalimang sama ng panahon na pumasok sa Pilipinas ngayong taon. - Rommel P. Tabbad