Dwayne copy copy

NAGLUNSAD sina Dwayne Johnson at Tom Hanks ng pekeng presidential campaign sa paglabas nila sa Saturday Night Live.

Ginamit ng 45-anyos na bituin ng Baywatch ang kanyang opening monologue sa series finale ng show noong Sabado at pabirong inihayag na nagbabalak siyang tumakbo sa White House sa 2020.

Sinamahan si Dwayne sa entablado ni Alec Baldwin, na sinalubong ang wrestler sa Five Timer’s Club ng SNL bitbit ang smoking jacket sa pag-host niya sa kanyang ikalimang palabas, at ibinununyag pa ng aktor kung sino ang kanyang vice president.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“He’s already in the Five Timers Club, and like me he’s very well liked,” panunukso niya, kayat naniwala si Alec na siya ang napili nito. “He’s charming, universally adored by almost every human alive... Mr. Tom Hanks!”

Umakyat sa entablado ang Hollywood icon suot ang Five Timers Club smoking jacket, at malugod na tinanggap ang appointment, na ikinadismaya naman ni Alec.

Kasunod nito ay pinagtripan nina Dwayne at Tom ang kasalukuyang si President Donald Trump.

“In the past, I never would have considered running for president. I didn’t think I was qualified at all,” sabi ng bituin ng Central Intelligence. “But now I’m actually worried I’m too qualified.”

Ayon sa dating wrestler, makatutulong siya sa Amerika sa panahon ng natural sakuna, tulad ng, “if California splits off and falls into the ocean”, na pagtukoy sa kanyang pelikula na San Andreas noong 2015.

Nagsuhestiyon din si Dwayne sa panayam kamakailan ng GQ magazine na interesado siyang tumakbo, at tila kinumpirma nito ang kanyang political future sa Tonight Show ni Jimmy Fallon nitong Huwebes.

“I’ve become a guy that a lot of people kind of relate to: get up early in the morning at a ridiculous hour, go to work and spend time with the troops, take care of my family. I love taking care of people. And I think that kind of thing really resonates with people, especially today... Three and a half years is a long ways away. So we’ll see,” aniya. (Cover Media)