Premature at misleading.

Ito ang naging reaksiyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa mga pulis na sangkot sa umano’y secret jail sa Manila Police District (MPD)-Station 1, na nag-aabsuwelto sa mga ito.

Ayon kay CHR Commissioner Karen Dumpit, premature at misleading ang desisyon ng IAS dahil hindi umano kumpleto ang imbestigasyon sa usapin.

Sa naturang desisyon, pinawalang sala si Supt. Robert Domingo, ang sinibak na hepe ng MPD-Raxabago Station 1, sa kasong administratibo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Gayunman, umaasa si Dumpit na hindi maaapektuhan ng desisyon ang imbestigasyon ng Office of Ombudsman.

“We do not subscribe to the findings and recommendations of the Philippine National Police Regional Internal Affairs Service – National Capital Region Fact-Finding Report regarding the alleged secret detention cell in Manila Police District (MPD) Raxabago Station 1. Releasing a report that is not based on a full-blown investigation misleads the public that the Internal Affairs Service (IAS) has already come up with its official findings and, is therefore, premature,” sambit ni Dumpit. (Rommel P. Tabbad)