CABATUAN, Isabela – Napatay din ng rumespondeng pulis ang isang lalaking negosyante matapos niyang barilin at mapatay ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Barangay La Paz sa Cabatuan, Isabela.

Sa panayam kahapon kay Senior Insp. Prospero Agonoy, sinabi niyang ilang beses na binaril ni Jaime Natividad, 57, ang asawang si Leonila Natividad, 47, kapwa ng Bgy. La Paz, Cabatuan.

Nabatid na bandang 7:40 ng umaga kahapon nang nagtalo ang mag-asawa dahil sa umano’y bagong lover ng ginang hanggang sa mapatay ng suspek ang misis.

Gayunman, malapit noon sa bahay ng mag-asawa si PO3 Francis Ruiz Bayona kaya nang marinig ang putok ng baril ay kaagad itong rumesponde subalit dalawang beses umano itong pinaputukan ng suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gumanti ng putok si Bayona at napatay ang suspek. (Liezle Basa Iñigo)