Untitled-1 copy copy

Cavs tinalo ang Celtics sa record na 130-86 sa Game 2.

BOSTON (AP )— Umiskor si LeBron James ng 30 puntos, double-double 21 puntos at 12 rebounds naman si Kevin Love at inilampaso ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics, 130-86, para sa 2-0 bentahe sa Eastern Conference finals at pantayan ang NBA record na 13th straight na panalo sa playoff.

Angat ang Cleveland ng 14 na puntos pagkatapos ng first period na naging record na 41, puntos sa pagtatapos ng first half na tumaas sa 46-puntos sa third period.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nag-ambag si Kyrie Irving ng 23 puntos para sa Cavaliers, na magbabalik sa kanilang homecourt bitbit ang tsansang tapusin na ang Celtics sa Cleveland para sa kanilang ikatlong sunod na sweep ngayong postseason na nagwagi rin sa huling tatlong laro ng nakaraang taong finals.

“It’s one game. I don’t care if you win by 200 points,” pahayag ni Cavaliers coach Tyronn Lue. “We’re going back home, we’re not going to get comfortable. We understand that this is a good team. They’re not No. 1 in the East for no reason.”

Lumaro ang Celtics sa second half na wala si Isaiah Thomas dahil sa natamo nitong injury sa kanang balakang.

Pagdating ng fourth quarter, ang nalalabi na lamang katanungan ay kung makakaiwas ang Celtics sa kanilang pinakamasamang kabiguan sa playoff sa kasaysayan ng kanilang prangkisa matapos ang natamong 47-puntos kabiguan sa kamay ng Orlando Magic noong 1995 postseason.

Sa pagtatapos ng laro, nanatili naman ang nasabing pagkatalo bilang worst home playoff loss ng Celtics.

Tumapos si Thomas na mayroon lamang dalawang freethrows at 6 na assists habang nanguna sa kanila ang rookie na si Jaylen Brown na may 19 puntos kaunod si Avery Bradley na may 13 puntos.

Nagsimula ang laro matapos ianunsiyo ng tatlong nangungunang mga finlit par sa MVP award kung saan hindi kabilang si James, ang unang pagkakataon na hindi ito nakasama sa top 3 mula noong 2008.

Gayunman, may tsansa naman ang 4-time MVP awardee na si James na makamit ang kanyang ika-4 na NBA title at back-to-back para sa Cavs.

“You’ve got to give the award to different people every now and then,” ayon kay Lue. “But to me, LeBron’s the MVP.”

Tumapos si James na may 30 puntos, 22 dito ay isinalansan niya sa firt half, bukod pa sa 6 na assists at 3 blocked shots.

“My only job is to try to be the MVP for this team every night,” wika ni James. “I know what I bring to the table. This league knows what I bring to the table.”