Angelou copy copy

SABI ni Angelu de Leon sa presscon ng Mulawin vs Ravena, hindi pa siya masyadong magaling sa second attack niya ng Bell’s Palsy. Medyo tabingi pa rin daw ang mukha niya, hindi lang halata dahil sa make-up. But she’s okay at puwede nang magtrabaho.

“Second time ko na magka-Bell’s Palsy, the first time was 2009 at itong huli ay 2017. The first time, tumagal lang ng one week, itong pangalawa, four months. Akala ko noong una stroke, nag-beach lang ako, hayun, nagka-Bell’s Palsy na,” kuwento ni Angelu.

Ang dahilan ng Bell’s Palsy attack niya ay stress, change of weather, pagod sa trabaho, at tumatapat sa aircon o electric fan. Kaya nagpaaalala siya na kapag stressed, pagod at galing sa init, huwag agad tatapat sa aircon o electric fan.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nagpapasalamat si Angelu na magaling na siya nang tawagan siya ng GMA-7 para magsimulang mag-taping ng Mulawin vs Ravena. May Bell’s Palsy pa siya nang matanggap ang offer to play the role of Lourdes, ina ni Aramis (Martin del Rosario) at kumupkop kay Pagaspas (Miguel Tanfelix).

Sabi ni Angelu, masuwerte siya dahil nakasama siya sa cast ng Encantadia at ngayon ay kasama naman siya sa Mulawin vs Ravena, dalawang fantaserye ng GMA-7 na minahal ng televiewers at talagang nagmarka sa tao.

Sa rami ng cast ng Mulawin vs Ravena, pinansin ng press sina Bobby Andrews at Joko Diaz. Si Bobby ang love team niya noong 90s at si Joko ang ex-boyfriend niya at may naging anak sila. Ang sabi, muntik nang magkaroon ng relasyon sina Angelu at Bobby kundi lang kay Joko.

Kaya ang tanong kay Angelu ay kung paano ang pakikipagtrabaho kina Bobby at Joko?

“Si Bobby lagi kong nakakasama. We’re friends and we’re okay. With Joko naman, ang lagi kong sinasabi, past is past, forgiven and forgotten na ang nangyari sa amin. Civil na kami. Nagbabatian kami, walang ilangan at nagkakakuwentuhan pa nga, pero hindi major tsika. But we’re okay,” sagot ni Angelu.

Pilot na sa Lunes (May 22), pagkatapos ng 24 Oras, ng Mulawin vs Ravena mula sa direksiyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez. Si Don Michael din ang scriptwriter ng sequel ng fantaserye. (Nitz Miralles)