Nadakip kahapon ang isang 17-anyos na lalaki makaraan umanong gahasain ang 13-anyos na babaeng text mate niya, sa boarding house sa Barangay Dadiangas North sa General Santos City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nadakip ang suspek, tubong Davao del Norte, sa tinutuluyan nitong boarding house sa Bgy. Dadiangas North sa General Santos City.

Sinabi ng pulisya na nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng text at nangyari ang umano’y panggagahasa nitong Martes ng tanghali sa loob ng boarding house na tinutuluyan ng binatilyo.

Sa harap ng pulisya, itinanggi ng suspek ang paratang at sinabing ginusto nilang dalawa ng biktima ang pagtatalik.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nakapiit ang suspek sa naturang presinto at kakasuhan ng rape. (Fer Taboy)