KABILANG ang open swimming at girls volleyball sa sports na pagtutuunan ng pansin para sa estudyante ng elementary public schools sa Davao City kasabay sa pagdaraos sa Kadayawan Festival sa Agosto.
Ayon kay PSC commissioner Charles Maxey, itinalaga ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na tagapangasiwa sa Special Mindanao project, napili nilang isagawa ang open swimming competition na isa na ring regular sports sa Olympics.
Naisip na rin nilang isama ang kumpetisyon sa elementary girls volleyball para sa mga estudyante mula sa mga pampublikong eskwelahan dahil nangangailangan ito ng exposure para sa maraming talento na naghihintay lamang na madiskubre.
“We opted to host elementary girls vollleyball tournament for the public schools because there are many talents out there, who are just less expose,” pahayag ni Maxey sa kanyang pagdalo sa isinagawang Smart ID Train the Trainers Program ng PSI sa Bishop Pueblos Hall ng St. Joseph Cathedral sa Butuan City.
Ang mga naturang events na gaganapin kasabay sa pagdaraos ng “Bountiful Harvest” Festival ay kabilang din sa grassroots development program ng government sports agency.
“Most of the volleyball tournaments in Davao are in the private schools but in the public schools, there is none at all. So we decided to give them exposure,” aniya.
Sinabi rin ni Maxey na sa araw ng pagdiwang ng taunang Kadayawan Festival ay magsasagawa rin ang PSC sa unang pagkakataon ng kanilang Board Meeting sa Davao City.
“We will also be holding our first ever PSC Board of Commissioners meeting sa Davao. I think this would the first time since 1990s that the Board will be holding its meeting outside Manila.” (Marivic Awitan)