Payag si Pangulong Rodrigo Duterte na sumali ang Mongolia at Turkey sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa kabila ng mga pag-aalinlangan ni Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi.

Sinabi ng Pangulo na nagpahayag ng interes ang dalawang bansa na sumali sa regional bloc sa magkakahiwalay na pakikipagpulong niya kina Mongolia Prime Minister Jargaltulgyn Erdenebat at Turkey President Tayyip Erdoğan sa sidelines ng trade forum sa Beijing kamakailan.

“By the way, I had a talk with the President Erdoğan and the Prime Minister of si Erdenebat sa Mongolia. They also want to… Gusto nila na mag-sali sa ASEAN,” sabi ni Duterte sa kanyang pagdating sa Davao City kahapon ng umaga.

“And since I am now the chair, ang Pilipinas ngayon, they wanted me to sponsor their entry and I said, ‘Yes, why not?’” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tumutol dito ang isa pang lider ng ASEAN ngunit nanindigan si Duterte.

“Si Aung San Suu Kyi, ang sabi niya, ‘Have you considered the physical -- the geography whether they are part of the ASEAN or not?” kuwento ni Duterte. Sinagot diumano niya si Suu Kyi na: “They are. I would say that they are.”

Aniya matagal nang may magkahalo ang pananaw kung ang Turkey ay bahagi nga ng Asia o tulay lamang sa pagitan ng Asia at Europe.

“Wala ilang klaro diyan. There has always been an ambivalent view. Sometimes they say that they are part of Asia, sometimes they say that they are the bridge of Asia to Europe,” ani Duterte.

Matatagpuan ang Mongolia sa East Asia habang ang Turkey ay kilalang transcontinental country na nasa gitna ng Asia at Europe. (Genalyn D. Kabiling)