MAS magiging exciting ang panonood sa cable TV tuwing Miyerkules ng gabi dahil handog ng Cinema One ang tatlong magagandang pelikula -- Mater Dolorosa, Sa Ilalim ng Tulay at Bitukang Manok – sa Cinema One Originals Presents ngayong Mayo.

Pinagbibidahan ni Gina Alajar ang family drama na Mater Dolorosa na tungkol sa kuwento ng isang ina na pamumunuan ang “crime empire” ng kanyang asawa habang nagsisikap siyang ayusin ang pamilya. Haharapin niya ang pagpasok ng bagong mayor sa kanilang lugar na babago sa takbo ng kanyang negosyo. Ang Ilan sa mga parangal na natanggap ng pelikulang ito ay ang 2013 Golden Screen Awards Best Actress award para kay Gina, ang 2013 Star Awards for Movies Best Supporting Actor para kay Carlo Aquino at ang 2013 Gawad Urian Best Director para kay Adolf Alix, Jr.

Ipapalabas din ngayong buwan ang comedy-dramang obra ni Earl Bontuyan na Sa Ilalim ng Tulay. Tungkol ito sa isang Aeta family na naapektuhan ng pagputok ng Mt. Pinatubo na nagdesisyong pumunta sa Maynila para hanapin ang isang kamag-anak. Kasama sa pelikulang ito na may kakaibang kuwento ng kahirapan sina Bong Cabrera, Chris Pasturan, Remi Tolentino, Michael Bonapos at Mon Confiado.

Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan

Dapat ding abangan ngayong buwan ang Bitukang Manok. Tatlong hindi magkakakilalang grupo ang maliligaw habang nilalakbay ang daan na nagkokonekta sa Quezon at Bicol. Sa hindi malaman at hindi karaniwang kadahilanan, hindi sila makaalis sa naturang lugar. Mula sa director na si Alec Figuracion ang pelikula na pinagbibidahan nina Missy Maramara, Guji Lorenza, Ken Anderson, Teri Malvar at Mara Lopez.

Abangan ang Mater Dolorosa sa May 17, Sa Ilalim ng Tulay sa May 24 at Bitukang Manok sa May 31 sa Cinema One Originals Presents, 11 PM tuwing Miyerkules. Ang Cinema One ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37, at Digital 57. Sundan ang Cinema One sa Facebook at facebook.com/Cinema1channel para sa full schedule nito.