Ipinalilipat na ng Sandiganbayan ng kulungan ang negosyante at umano’y mastermind sa “pork barrel” fund scam na si Janet Lim-Napoles ilang araw matapos na ibasura ng Court of Appeals (CA) ang kaso nitong serious illegal detention na isinampa ng whistlebower na si Benhur Luy.

Sa ruling ng 1st Division ng anti-graft court, iniutos nito sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong na palayain si Napoles mula sa pasilidad upang mailipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology

Dahil sa desisyong ito ng Sandiganbayan, nangangahulugang ibinasura ng korte ang mosyon ng kampo ni Napoles na maikulong na lamang siya sa National Bureau of Investigation (NBI) Custodial Center, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice (DoJ).

Ang mosyon ng kampo ni Napoles ay bunsod ng umano’y matinding banta sa buhay niya kasunod ng pahayag ng kanyang abogadon na posibleng maging state witness si Napoles sa kontrobersiyal na kaso. (Rommel P. Tabbad)

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza