BALAYAN, Batangas – Isang hinihinalang nagbebenta ng ilegal na droga ang napatay ng mga pulis sa isinagawang raid sa Balayan, Batangas, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Adrian Castromero, alyas “Ron-Ron”, 27, mekaniko ng motorsiklo, at taga-Barangay Tanggoy, Balayan.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:30 ng gabi nang magsilbi ng search warrant ang grupo ni Balayan Police acting chief, Senior Insp. Allan De Castro sa bahay ng suspek.

Bumunot umano ng baril at tinangkang magpaputok ng suspek, subalit naunahan siya ng mga pulis.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang isang .9mm caliber pistol, mga basyo ng bala ng .9mm at .45 caliber pistols, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. (Lyka Manalo)