Kalaboso ang isang umano’y miyembro ng kilabot na Akyat Bahay gang matapos magpanggap na tauhan ng water refilling station at tinangkang ibulsa ang sukli ng isang ginang na kustomer sa Pasay City, nitong Linggo.

Iniimbestigahan na si Ronaldo Carlo Jaime Dolba, 32, ng Malibay, Pasay, na nagpanggap umanong tauhan ng isang water refilling station sa Lucban Street, Barangay 40, Zone 5, Pasay City.

Ayon sa report, bumili ng tubig si Bernardita Gavino sa nasabing water refilling station subalit walang panukli ang suspek sa P1,000 ng biktima kaya sinabihan nito ang ginang na mamaya na lamang ibibigay ang sukli.

Bago pa makatakas, namataan ni Diosdidith Morales, barangay chairperson, ang suspek at nang silipin ang mga litrato ng mga sangkot sa nakawan sa barangay ay namukhaan niya ang salarin kaya ipinaaresto ito sa mga tanod.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Batay sa pagsisiyasat, ilang beses nang nakuhanan ng CCTV camera si Dolba sa mga karatig barangay habang nagnanakaw ng Super Kalan o kaya naman ay nanlolooban.

Sa pulisya, inamin ni Dolba na ito na ang ikalawang beses na nakulong siya sa pagnanakaw. (Bella Gamotea)