APTOPIX Italy Tennis Italian Open

ROME (AP) — Sapat na ang tatlong torneo para makalikom ng puntos si Maria Sharapova at magkwalipika sa Wimbledon.

Muling sinamantala ng five-time Grand Slam winner ang nakamit na wild card para makapanalo kontra 58th-ranked Christina McHale ng United States, 6-4, 6-2, sa first round ng Italian Open nitong Lunes (Martes sa Manila).

Bunsod nang panalo, nakakuha ng sapat na puntos si Sharapova para makapasok sa top 200 ng rankings para sa All England Club.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Winning matches will get me places, so if that’s where it got me today, then I will take it,” sambit ni Sharapova, tangan ang world No. 211 ranking bago ang torneo. “The fact that I’m back and playing three weeks in a row now ... for me is a big deal.”

Sa Martes (miyerkules sa Manila) inaasahang ilalabas ng French Open organizer kung pagkakalooban si Sharapova ng wild card sa Roland Garros.

“I won’t be following it live. I will be focused on my match, as I’m playing tomorrow,” pahayag ni Sharapova.

“Nothing is a disappointment after being away from the game for 15 months.”

Ginapi naman ni Venus Williams, 1999 Rome champion, si Yaroslava Shvedova, 6-4, 7-6 (4).

Sa men’s action, umusad si Olympic silver medalist Juan Martin del Potro nang patalsikin si Grigor Dimitrov 3-6, 6-2, 6-3. Sunod na makakaharap ni Del Potro si Kyle Edmund ng Britain, nagwagi kay Joao Sousa ng Portugal 6-3, 6-4.