Hinihinalang may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril at pagpatay ng 10 katao sa isang lalaki malapit sa tirahan ng huli sa Barangay West Crame sa San Juan City, nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay SPO1 Dennis Ramos, ng Criminal Investigation Unit ng San Juan City Police, kasama sa kanilang drug watch list si Joey Villas, 36, walang hanapbuhay, at residente ng Bgy. West Crame sa San Juan City.

Nasa harapan umano ng kanyang bahay ang biktima, dakong 7:35 ng gabi, nang biglang dumating ang sampung suspek na magkakaangkas sa limang motorsiklo, at kaagad siyang pinagbabaril ng mga ito.

Nang makitang napuruhan si Villas ay mabilis na humarurot papatakas ang mga suspek.

Senior citizen na halos 2 dekada nang tumataya sa lotto, pumaldo!

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente upang matukoy kung sino ang posibleng nasa likod ng krimen, gayundin ang tunay na motibo sa pagpatay. (Mary Ann Santiago)