Klay Thompson,Jonathon Simmons

Warriors, nakalusot sa Spurs sa West Finals Game 1.

OAKLAND, California (AP) — Nakaahon sa 20 puntos na paghahabol ang Golden State Warriors para maitala ang isa sa pinakamatikas na playoff comeback, 113-111, laban sa matikas na San Antonio Spurs sa Game 1 ng Western Conference best-of-seven Finals nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Sinimulan ni Stephen Curry ang ratsada ng Golden State sa third period, bago nakibigkis si Kevin Durant sa krusyal na sandali para maiangat ang defending conference champion sa makapigil-hiningang desisyon.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Hataw si Curry sa naiskor na 40 puntos, tampok ang three-pointer na nagtabla sa iskor sa 106-all may 1:48 ang nalalabi sa laro kung saan nakabangon ang Warriors sa kinasadlakang hukay sa mga sandaling na-bench ang pambato ng Spurs na si Kawhi Leonard bunsod nang paglala ng injury sa paa.

"It's the playoffs. You've got to expect everything," pahayag ni Curry. "I wouldn't call it smooth sailing at all.

We've actually had to execute and get to this point. They came out and challenged us heavy, put a nice little run together. It took us a minute to figure it out to get up to that game speed after this little break. It's definitely a nice way to win Game 1. We've got to capitalize off that and start Game 2 a lot better."

Nailayo ni Draymond Green ang Golden State sa nakumpletong three-point play para matuldukan ang makasaysayang ratsada ng Warriors mula sa 25 puntos na paghahabol.

Inilabas si Leonard sa third quarter nang muling mapinsala ang na-injured na kaliwang paa. Sa kanyang pagkawala, humarurot ang Warriors sa 18-0 run.

Kumubra si Durant ng 10 sunod na puntos sa mainit na opensa sa final period tungo sa kabuuang 34 puntos, habang nag-ambag si Zaza Pachulia ng 11 puntos at siyam na rebound.

Kumana si Leonard ng 26 puntos at walong rebound, habang umiskor si LaMarcus Aldridge ng puntos at walong board.

Nakatakda ang Game 2 sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa Oracle Arena.

"It's a tough break. He's coming from an injury on that ankle and he tweaked it twice in the last minute he played," pahayag ni Manu Ginobili. "So we couldn't react to his absence."