3 copy copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

10 am Malaysia vs. Indonesia

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

12 pm Singapore vs. Philippines

Target din ng Batang Gilas.

Gaya ng matinding panimula ng Gilas Pilipinas squad sa ginaganap na 2017 SEABA Men’ s Championhip kung saan dinurog nila ang nakatunggaling Myanmar, 147-40 noong Biyernes ng gabi, nais ding makapagsimula nang mainit ng Batang Gilas sa kanilang kampanya sa SEABA Under-16 Championhip na sisimulan ngayong umaga sa Araneta Coliseum, bago magpatuloy ang men’s championship sa hapon.

Makakatunggali ng National Under-16 team, na gagabayan ni coach Michael Oliver, ang Singapore sa tampok na laro ganap na 12:00 ng tanghali pagkatapos ng unang laro ganap na 10:00 ng umaga kung saan magtutuos ang Malaysia at Indonesia.

Kaparis ng Gilas Pilipinas, nais din ng Batang Gilas na lumikha ng matinding impresyon at ipakita sa lahat ang matinding determinasyon na mapanatili ang titulo sa kanilang dibisyon at makamit ang isa sa dalawang nakatayang slot para sa FIBA Asia Under-16 Championships.

Pangungunahan ang koponan ng Ateneo High School stalwarts na sina Rence Padrigao at 6-foot-11 slotman na si Kai Sotto.

Ang kasalukuyang roster nang itinuturing na pinakamataas na nabuo para sa Under-16 team kung saan bukod kay Sotto ay nakahanay din sa frontline ng koponan sina 6-foot-8 Geo Chiu ng Ateneo High School, 6-foot-5 Bismark Lina ng University of Santo Tomas High School, Josh Lazaro ng San Beda High School at 6-foot-7 Raven Cortez ng La Salle Zobel.

Kasama nila sa team sina McLaude Guadana ng Lyceum HS, Migs Pascual at RR Calimag ng San Beda HS, Terrence Fortea ng National University HS, Miguel Tan ng Xavier School at Rafael Go ng Chiang Kai Shek HS.

Makakatulong naman ni Oliver sa bench bilang mga deputies sina Nico Dehaenen, Jigs Mendoza, JB Sison at MC Abolucion, habang magsisilbi namang team manager si Andrew Teh.

Napanalunan ng Batang Gilas ang SEABA Under-16 Champiohip noong 2015 sa Cagayan de Oro City, at kumpiyansa si Oliver na mapapanatili nila ang titulo at muling magku-qualify para sa FIBA Asia Under 16 Championship.

“I think the build up, which we underwent by joining the Got Skills competition and the Fr. Martin’s Cup would help us in our SEABA Under-16 campaign. We got the fitting workout that we wanted competing against more experienced players in the collegiate level,” ani Oliver. (Marivic Awitan)