Dalawampung tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ipinadala sa China para sumailalim sa maritime law enforcement training.
Ito ang sa kabila ng may pinag-aagawang teritoryo ang dalawang bansa sa West Philippine Sea, ngunit ayon sa PCG, ang pagsasanay ay alinsunod sa bumubuting ugnayan ng Pilipinas at China.
Nagsimula nitong Mayo 4, isasagawa ang seminar-training sa maritime law enforcement sa Ningbo City sa lalawigan ng Zheijang sa China hanggang sa Mayo 20. (Betheena Kae Unite)