STA. TERESITA, Batangas - Patay ang isang obrero nang makuryente habang nag-aayos ng antenna sa Sta. Teresita, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng umaga niong Mayo 11 nang i-report sa pulisya ang pagkamatay ni Roger Bañares, 19 anyos, sa Barangay Calayaan.

Dakong 6:00 ng gabi nang umakyat umano sa puno ang biktima upang ayusin ang antenna subalit sumabit sa live wire na nasa poste. (Lyka Manalo)

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone