Hinikayat ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang publiko, partikular na ang mga magulang, komunidad at mga pribadong kumpanya na makiisa sa taunang Brigada Eskuwela simula sa Lunes, Mayo 15.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na welcome ang lahat upang makilahok sa Brigada Eskuwela, maging ang mga pulitiko.

Paliwanag niya, mahalaga ang paghahanda sa mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase, sa pamamagitan ng Brigada Eskuwela, upang matiyak na magiging ligtas at kumportable ang mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskuwela sa Hunyo 5.

Bibigyang-pansin, aniya, ng Brigada Eskuwela ngayong taon ang disaster preparedness at resiliency ng mga paaralan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon naman kay Education Assistant Secretary Tonisito Umali, isinusulong nila ang pagtatayo ng disaster-resilient classrooms bilang paghahanda sa typhoon season, na kasabay ng pagbubukas ng klase.

Nabatid na si Briones mismo ang mangunguna sa national kick off ng 2017 Brigada Eskwela sa Ramon Duterte High School sa Cebu sa Lunes. (Mary Ann Santiago)