Dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa braso ang ikinamatay ng isang babae makaraang pagbabarilin ng tatlong armado sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Sa loob mismo ng kanyang bahay pinatay si Lea Ruth Contreras, 38, hiwalay sa asawa, may dalawang anak at nakatira sa No. 1326 Quiricada Street, Tondo.

Sa ulat ni SPO4 Ronald Gallo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 4:00 ng hapon nangyari ang pamamaril.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar, dumating ang mga suspek, sakay sa dalawang motorsiklo, at itinuro ng isa sa mga suspek ang bahay ng biktima.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Makalipas ang ilang segundo ay pinasok ng dalawang suspek ang biktima at saka isinagawa ang pagpatay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)