IDEDEPENSA ni Jerwin Ancajas ang IBF junior bantamweight title kontra mandatory challenger Teiru Kinoshita sa undercard ng laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao vs Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Mismong si matchmaker Sean Gibbons, kumakatawan sa MP Promotion na may hawak kay Ancajas, ang nagkumpirma ng laban.

Nakamit ni Ancajas (26-1-1, 17 knockouts) ng Panabo City ang titulo via unanimous decision kontra McJoe Arroyo noong Setyembre. Naidepensa niya ito vai 7th round stoppage kontra Jose Alfredo Rodriguez nitong Enero.

May matanda ng anim na taon kay Ancajas ang 31-anyos na si Kinoshita (25-1-1, 8 KOs) mula sa Osaka, Japan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang dating Japanese junior bantamweight champion ay kasalukuyang No.3 sa titulo ni Ancajas.