Bumaba na sa puwesto si Baao, Camarines Sur Mayor Melquiades Gaite matapos na isilbi sa kanyang opisina ang dismissal order mula sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y manomalyang pagpaparenta niya sa isang public market.

Una nang inihayag ni Gaite na hindi siya magdadalawang-isip na bumaba sa posisyon kapag natanggap niya ang dismissal order.

Naiulat na naisilbi na nitong Lunes ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 5 ang nasabing order laban sa alkalde sa mga kasong gross neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service, at absenteeism.

Nasibak sa puwesto si Gaite makaraang matuklasan ng Ombudsman na pumasok siya sa 25-taong kontrata sa Lamvert Consolidated Complex, Inc. (LCC) para sa pagpapaupa sa pamilihang bayan ng Baao sa kabila ng kawalan ng permiso ng konseho.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod kay Gaite, sinibak din sina Goa, Camarines Sur Vice Mayor Alfredo Gonzaga, Councilor Alex Camacho at dating mayor Antero Lim. (Rommel P. Tabbad)