HINDI mapawi ang mga ngiti ni Meghan Markle.

Ipinagsisigawan ng bituin ng Suits ang kanyang kasiyahan habang pinapanood ang kanyang boyfriend na si Prince Harry sa Audi Polo Challenge charity match sa Ascot, England, nitong Sabado.

Nakasuot ang 35-anyos na aktres ng simple, classy ensemble, na sleeveless navy Antonia Berardi dress, round-framed sunglasses at itim na Aquazurra wedges.

Ibinigay kay Meghan ang pinakamagandang upuan sa royal box sa Coworth Park Polo Club. Tumayo at pumalakpak siya habang nakikipagpaligsahan ang 32-anyos niyang kasintahan sa polo game para suportahan ang dalawang charities nito, ang Sentebale at WellChild.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kahit na technically ay pinaghiwalay sila ng playing field, ang paglabas na ito ang unang pagkakataon na magkasamang dumalo sina Prince Harry at Meghan sa isang public event bilang magkasintahan.

Dumalo rin ang adorable duo sa kasal ng isa sa malalapit na kaibigan ng prinsipe sa Jamaica noong Marso, ngunit pinanatili itong pribado.

Inaasahang dadalo si Meghan sa kasal nina Pippa Middleton at James Matthews sa huling bahagi ng buwang ito, kasama si Harry. Alinsunod sa protocol pinagbabawalan ang unmarried at un-engaged partners na dumalo sa mga kasal, ngunit iniulat na sa party na sa gabi dadalo si Meghan. (ET Online)