MUNICH (AP) — Ginapi ni Alexander Zverev si second-seeded Roberto Bautista Agut ng Spain 7-5, 7-5, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para maisaayos ang championship round kontra Argentine qualifier Guido Pella sa BMW Open final.

Hataw ang 158th-ranked na si Pella para maungusan ang South Korean na si Chung Hyeon, 4-6, 7-5, 6-4.

Bumitaw ang 20-anyos na si Zverev ng siyam na aces.

“It will be special,” phayag ng third-seeded Zverev.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagtagumpay si Zverev sa St. Petersburg, Russia, sa nakalipas na taon, bago nakuha ang ikalawang titulo sa Montpellier nitong Pebrero.