MAARING hindi sila kasinglakas kumpara sa koponang nagkampeon sa nakalipas na season, ngunit may naiibang katangian ang bawat miyembro ng nabuong De La Salle Lady Spikers sa Season 79.
“Of all the teams that I formed, this one has been a roller coaster,” paglalarawan ni coach Ramil de Jesus patungkol sa kanyang team matapos nilang maangkin ang unang back-to-back volleyball title.
Ginapi ng Lady Spikers ang mahigpit na karibal na Ateneo Lady Eagles para sa kabuuang ikaanim na titulo sa premyadong collegiate league sa bansa.
Hindi nakatikim ng panalo kontra Ateneo noong eliminations, winalis ng La Salle ang kanilang best-of-3 finals series nitong Sabado sa pamamagitan ng19-25, 25-14, 18-25, 25-18, 15-10 panalo.
Ayon kay De Jesus, nasubukan ng husto ang koponan sa iba’t-ibang hamon at pagsubok na dinaanan nila sa kabuuan ng season.
“Our performance has been up and down. Our bench is shallow that you can’t pull players on the fly,” paliwanag ni De Jesus.
Ngunit, ang ginawa nilang pagtitiwala at paniniwala sa kanilang sistema ang naghatid sa kanila sa tagumpay.
“We concentrated in our trainings as hard as those were and they all accepted it. The players trusted the system and put on the hard work, and they were all well-disciplined. That was the key,” aniya. (Marivic Awitan)