Julio Cesar Chavez Jr.,Canelo Alvarez

LAS VEGAS (AP) — Walang duda, si Saul “Canelo” Alvarez ang natatanging aktibong Mexican boxer. At sa Setyembre, may pagkakataon siyang muling maging middleweight champion.

Dinomina ni Alvarez sa kabuuan ng 12-round catchweight fight ang kababayang si Julio Cesar Chavez Jr.. sa pinakamalaking duwelo ng taon sa pamosong ‘Cinco de Mayo’.

Matapos maipahayag ang resulta mula sa tatlong hurado, ipinahayag ni Alvarez ang nakatakdang laban sa pamosong si Gennady Golovkin sa Sept. 16.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pirmado na ng magkabilang kampo ang kontrata ng laban at pinag-uusapan na lamang ang venue para sa pinakahihintay na sagupaan ng dalawang matikas na fighter sa kanilang henerasyon.

“GGG, you are next my friend. The fight is done,” pahayag ni Alvarez na sinalubong ng hiyawan at palakpakan ng crowd.”I’ve never feared anyone, since I was 16 fighting as a professional.”

Ginami ni Alvarez (49-1-1, 34 KOs) ang pamosong jab para makontrol ang tempo ng laban ng dalawang dating middleweight champion. Sa ikatlong round, nagsimula nang magdugo ang ilong ni Chavez (50-3-1, 32 KOs) at sa ikaanim ay namaga na ang mukha ng anak ni boxing icon Julio Cesar Chavez Sr.

Tumanggap si Alvarez ng US$5 milyon, habang naiuwi ni Chavez ang US$3 milyon.