Mga Laro Ngayon

(Rizal Memorial Stadium)

3 n.h. -- ADMU vs FEU (Men Finals)

6 n.g. -- DLSU vs UST (Women Finals)

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

MAGTUTUOS ang De La Salle at University of Santo Tomas sa UAAP Season 79 women’s football championship ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Nakatakda ang laro ganap na 6:00 ng gabi.

Paglalabanan naman ng Ateneo at Far Eastern U ang men’s champion ganap na alas 3:00 ng hapon.

Nakalusot ang Ateneo nang gapiin ang University of Santo Tomas, 2-1, habang namayani ang FEU sa hiwalay na semifinal duel.

“Yun ang mga team na hindi mo sila dapat i-underestimate sa UAAP. Marami silang key players,” sambit ni Eagles coach JP Merida.

Sasandigan nina skipper Paolo Bugas, goalscorer Rico Andes, Alex Rayos, Audie Menzie, Val Jurao at Ray Joyel ng FEU na target makuha ang ika-11 titulo.

Asam naman ng Ateneo ang ikapitong korona.