Siyam na tama ng bala sa katawan ang ikinamatay ng isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Pineda, Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Maylon San Jose, 40, binata, ng Camia Street, Purok 4, sa Bgy. Pineda.

Sa ulat ng Pasig City Police na ipinarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitual, dakong 2:30 ng hapon ay naglilinis ng motorsiklo ang biktima sa Old MRR St., Tabing Ilog, Purok 3, sa Bgy. Pineda, nang huminto ang dalawang motorsiklo na kinalululanan ng mga suspek at saka pinaulanan ng bala ang una.

Narekober sa pinangyarihan ang siyam na basyo ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Ayon sa awtoridad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaslang nang malaman na nasa drug watch list ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)