Untitled-1 copy copy

Cavs, arya sa 3-0; Spurs, abante sa Rockets, 2-1.

TORONTO (AP) — Maging sa teritoryo ng karibal, dominante si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers.

Ratsada si James sa natipang 35 puntos, habang kumana si Kevin Love ng 16 puntos at 13 rebound para aksyon ang Cavaliers sa impresibong 115-94 panalo kontra Toronto Raptors at kunin ang 3-0 bentahe sa Eastern Conference semi-final.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nabalewala ang nakubrang 37 puntos ni DeMar DeRozan, gayundin ang 19 puntos ni Jonas Valanciunas sa Raptors na naglaro na wala ang ikalawang leading scorer na si All-Star Kyle Lowry.

Naghahabol lang ng dalawang puntos ang Raptors matapos ang tatlong quarter, ngunit hindi nila naabatan ang Cavaliers sa final period.

Target ng Cavs na ma-sweep ang Raptors sa Game 4 sa Toronto sa Linggo (Lunes sa Manila).

“We don’t need to be thinking about a sweep or getting rest, we need to be thinking about what we need to do to execute defensively and offensively coming into Sunday,” pahayag ni James.

Iginiit naman ni Raptors coach Dwane Casey na mas magiging agresibo ang kanyang koponan sa Game 4.

“Sunday’s game is about pride,” sambit ni Casey. “You don’t want to get swept, especially in your home building.”

Ngunit, kung pagbabatayan ang marka ng Cavaliers, tila mahirap na para sa Raptors ang makaisa. Ang Cavs ang unang koponan mula nang maitala ng Minneapolis Lakers noong 1949 at 1950 na makapanalo ng pitong sunod na playoff games sa magkasunod na season.

SPURS 103, ROCKETS 92

Sa Houston, hindi natinag ang katauhan ng San Antonio Spurs sa kabila ng pagkawala ng premyadong point guard na si Tony Parker matapos pabagsakin ang Rockets para sa 2-1 bentahe ng kanilang Western Conference semi-final series.

Kumubra ng tig-26 puntos sina Kawhi Leonard at LaMarcus Aldridge para sandigan ang San Antonio sa panalo na wala si Parker na nagtamo ng pinsala sa tuhod sa Game 2.

Ito ang unang pagkakataon mula noong 2001 na naglaro ang Spurs sa postseason na wali si Parker. Naputol ang NBA record siya Parker na 221 sunod na playoff appearance nang ma-injured ang 34-anyos na Frenchman.

“You can’t replace Tony Parker. He’s a Hall of Famer one day, but I think guys just came out with a sense of urgency and just played hard,” pahayag ni Aldridge.

“I do what the team needs. Tonight this was needed and I did it. So I’m always going to try to be aggressive out there and try to make things happen,” aniya.

Host pa rin ang Rockets sa Game 4 sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nanguna si James Harden sa Rockets sa naisalansan na 43 puntos, matapos malimitahan sa 13 puntos sa Game 2.

Nalimitahan din siya sa limang assist at lubhang apektado sa tawagan ng referee.