HINDI nagpasapaw ang Destined To Be Yours hotties na sina Maine Mendoza, Sheena Halili, Thea Tolentino, Ina Feleo, Koreen Medina, Kim Rodriguez at maging si Maey Bautista dahil rumampa sila sa beach ngayong tag-init.

Kahit kanya-kanya sila ng pinuntahang beach, pare-pareho naman silang nagbilad ng katawan with their swimsuits.

Samantala, kasabay ng panahon ang lalo pang umiinit na mga eksena sa Destined To Be Yours dahil mukhang susukuan na ni Badong (Juancho Trivino) si Sinag (Maine Mendoza). Ang alaga nilang ibon na si Sidong ang nagpa-realize kay Badong na dapat na niyang bitawan si Sinag.

Kaya nang dumalaw ang dalaga sa kanila at hinanap ang alaga nilang ibon, sinabi nitong sa wakas ay pinalaya na niya ito. Ito ang paraan ni Badong para sabihin kay Sinag na maghihiwalay na sila.

Karina Bautista, PH navy reservist na