Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang barangay kagawad at anak nito makaraang makuhanan ng mga baril sa kanilang bahay sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang inaresto na sina Anacleto Torres, barangay kagawad; at anak niyang si Don Ferger Torres, kapwa ng Barangay Santol, Quezon City.

Sinalakay ng mga tauhan ng CIDG, dakong 7:30 ng umaga, ang bahay ng mag-ama at nakuha ang dalawang .9mm, mga bala, at dalawang cal .45 baril.

Depensa naman ng nakatatandang Torres, patuloy pa niyang inaasikaso sa Camp Crame ang pagpaparehistro sa mga baril.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagsisiyasat ni Police Insp. Nick Ledesma, hepe ng CIDG-QCPD, dati nang kinasuhan ng murder ang kagawad nang mapatay nito ang kanyang kapitbahay. (Jun Fabon)