VICTORIA, Tarlac – Pinaniniwalaang nabagok ang ulo ang isang lasing na magsasaka na natagpuang patay sa malalim na bahagi ng septic tank sa Barangay San Agustin, Victoria, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Sonny Abalos, natagpuan ang bangkay ni Zosimo Gamis, 64, may asawa, sa tabing bahay ni Ednor Rosario, 36, kapwa ng Bgy. San Agustin, Victoria, na sinasabing nakipag-inuman sa biktima.

Dakong 6:45 ng umaga nang nadiskubre ni Alfredo Manzano, 38, may asawa, obrero, ang bangkay ni Gamis sa septic tank na pinaniniwalaang nahulog doon at nabagok sa matinding kalasingan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog