Muling nadiskaril ang isang bagon ng Metro Rail Transit (MRT-3) nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay MRT Director for Operations Deo Manalo, inihahanda para sa maintenance ang axle ng car 28 at patungo na sana sa MRT depot sa North Avenue sa Quezon City, nang mangyari ang derailment.

Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 at ng Department of Transportation (DOTr) na ligtas pa ring sakyan ang kanilang mga tren.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Samantala, nagpaliwanag ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) sa DOTr kung bakit hindi dapat kanselahin ang kontrata nito sa kabila ng kaliwa’t kanang aberya ng mga tren ng MRT-3 at pagkakadiskaril ng isa nitong tren sa North Avenue, Quezon City, noong Abril 18.

Sa apat na pahinang tugon ng BURI, iginiit nito na alinsunod sa Section V (Schedule of Requirements) at Section VI (Technical Specifications) ng kanilang kontrata, lumilitaw na kinikilala nito ang mga “temporary stoppage” ng mga light rail vehicle (LRV), dahil ang system error/malfunction, deterioration of rails, LRV equipment at iba pa ay hindi maiiwasan.

“….and hence, the contract provided for procedures that BURI is required to undertake to address such matters.

Distinct from these instances are stoppages prompted by the safety mechanisms and features in the LRV that are programmed at the highest level of sensitivity, which, although arguably unfortunate, are necessary for better protection of the riding public,” bahagi ng pahayag ng BURI.

Hindi rin, anila, totoo na unang beses na nadiskaril ang MRT-3 nitong Abril 18, sinabing ilang beses na itong nangyari sa nakalipas na taon. (Mary Ann Santiago)