ladon copy

TASHKENT, Uzbekistan – Sa kabila ng mabilis na pagbabago ng panahon, nanatiling matatag ang kampanya ng ABAP Philippine National Boxing Team sa naitalang dalawang panalo sa tatlong laban sa ikalawang araw ng ASBC Asian Elite Men's Championships sa Uzbekistan National Sports Complex.

Ginapi ni Rio de Janeiro Olympian Rogen Ladon, seeded No. 2 sa 49 kilogram light flyweight division, si Hassan Naser via majority decision, sa kabila nang matikas na second round knockout. Pinabagsak ni Ladon ang Iraqi sa solid uppercut. Binilangan siya ng Uzbek referee na si Alexandra Khamidov.

Nakabangon si Naser at nakapagpatuloy ng laban subalit hindi na niya nasabayan ang laro ng 23-anyos mula sa Bago City. Apat sa limang hurado ang nagbigay ng 30-27 iskor, habang ibinigay ng judge mula sa Azerbaijan ang 30-26 para sa Pinoy.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagwagi naman si Zamboanga City native Eumir Felix Marcial, sumasabak bilang middleweight matapos magsimula bilang flyweight sa ABAP noong 2011, kontra Japanese Makoto Takahashi.

"In fairness, he was tough", pagaamin ng 21-anyos PAF airman.

"He ate a lot of my punches but never backed down. He just kept coming. I give him credit for that. He's a strong, courageous boxer."

Nakuha ni Marcial ang 5-0 decision mula sa iskor na 30-27 ng limang hurado.

Hindi naman pinalad si Mario "Jordan" Bautista na nabigo sa kamao ni seeded No.3 Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan.

Nakipagsabayan si Bautista laban sa karibal, ngunit nakaungos sa kabuuan ng laban.

Sa Martes (Miyerkules sa Manila), tatlong fighter pa ang sasalang sa torneo. Masusubok sina lightweight James Palicte kontra No.2 seed at hometown boy Elnur Abduraimov, habang sasagupain ni Joel Bacho si No.5 seed Sajjad Kazemzadehposhtiri ng Iran.

Nakakuha ng bye si flyweight Daniel Maamo ng Cagayan de Oro City at sisimulan ang kampanya laban kay Chang Yong ng China.

"We have some tough draws, but we will persevere. The boys are determined", pahayag ni delegation head at ABAP secretary-general Ed Picson.

Tumatayong coach sina Nolito Velasco, Elias Recaido Jr at Reynaldo Galido.

May kabuuang 202 boxer mula sa 28 bansa sa Asia, ang nakiisa para sa torneo na magsisilbing qualifier para sa World Championship. Suportado ang boxer ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang mangungunang anim sa bawat weight category ay makakasama sa Hamburg, event.