Bibida ang mga pagkain ng Albay sa pangunahing exposition ng mga katutubong luto sa Asia, ang IFEX Philippines.

Gaganapin ang IFEX Philippines sa World Trade Center sa Pasay City sa Mayo 19-21.

Determinado ang tanggapan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na lumahok ang mga food manufacturer ng lalawigan sa naturang food show, partikular ang mga pagkaing pang-export, upang mas mapabilis ang pagpasok sa pandaigdigang merkado.

Ang IFEX Philippines ang pinakamalaking international food exhibition sa Pilipinas at nagtatampok ng mga katutubong specialty food, gulay, prutas, pagkaing dagat, karne at poultry, mga inumin, Halal-certified food, at maging mga natural at organiko na putaheng Pinoy o Asian.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Plano rin ng Albay na lumahok sa World Street Food Jamboree sa Mayo 31-Hunyo 4, 2017 sa Mall of Asia, na tatampukan ng 28 pinakasikat na street food master mula sa 12 bansa. -PNA