ni Tito S. Talao

San Miguel's June Mar Fajardo goes for a layup against Blackwater's Kyle Pascual during the PBA Philippine Cup at MOA Arena in Pasay, January 6, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Miguel's June Mar Fajardo goes for a layup against Blackwater's Kyle Pascual during the PBA Philippine Cup at MOA Arena in Pasay, January 6, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
CEBU CITY – Estranghero si Gilas Pilipinas center June Mar Fajardo sa sistemang ‘Dribble Drive Offense’.

Nabunyag ang lihim ni Fajardo nang mapansin ni PBA Visayas All-Star coach Tim Cone, sa pakikipag-usap kay Jorge Gallent, assistant coach at San Miguel Beer, ang kabiguan ni Fajardo na humawak ng bola sa laro ng Gilas Pilipinas at Mindanao All-Stars nitong Sabado sa Cagayan de Oro.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Maybe it was seven or eight transitions and June Mar didn’t get to touch the ball, and he was running up and down,” sambit ni Cone.

Na-developed ni dating Pepperdine coach Vance Walberg at pinasikat ni John Calipari ng University of Memphis, ang dribble drive motion ang ginagamit para maatake ng guard ang espasyo na malilikha sa pagkalat ng mga player.

Ito ang master play ni Gilas playmaker Jayson Castro na nakasanayan na rin niya kalaunan. Malaking bagay ang naturang opensa para makasabay ang Gilas sa mga foreign rival.

“He may be the most dominant here, but against China and Korea where they have really big players, Gilas may have to rely on some other means to beat them,” pahayag ni Cone.

Inamin ni Fajardo na ginagawa niya ang lahat para makabisado ang naturang play.

“Hindi, ako dapat ang mag-adjust sa dribble drive at magagawa ko yon,” aniya.