Ilegal na koneksiyon ng kuryente ang sanhi ng apoy na lumamon sa bahay ng 20 pamilya sa Bagong Barrio, Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Bureau of Fire and Protection Caloocan (BFP) Fire Officer 3 Alwin Cullianan, case investigator, nagsimula ang apoy sa bahay ni Siony Macabalitao.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang 2:43 ng hapon, sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Macabalitao sa 304, Zapote Street, sa Barangay 133, Bagong Barrio, Caloocan.

Ayon kay Macabalitao, nagsimula ang apoy sa kuwarto ng kanyang anak. Isang refrigerator ang naiulat na nakasaksak sa loob ng kuwarto. Inamin din niya na gumagamit sila ng ilegal na koneksiyon ng kuryente o “jumper.”

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

Sa ulat ng BFP, bandang 3:03 ng hapon ay umabot sa ikatlong alarma ang sunog dahil ang dalawang palapag na bahay ni Macabalitao ay gawa sa light materials.

Mabilis na kumalat ang apoy at 20 o higit pang bahay ang naapektuhan.

Nasa P450,000 ang kabuuang halaga ng ari-ariang natupok. - Jel Santos