Kalaboso ang isang magkapatid nang makuhanan ng granada, shabu at mga drug paraphernalia sa One Time, Big Time operation sa Barangay San Miguel, sa Pasig City kamakalawa.

Sasampahan ng mga kasong illegal possession of explosives at illegal drugs ang mga suspek na sina Manuel at Arnold Antonio, kapwa nasa hustong gulang, at residente ng 164 Dr. Pilapil Street sa Bgy. San Miguel.

Bukod sa magkapatid, nasa 23 iba pa ang inimbitahan ng awtoridad sa presinto para sa kaukulang beripikasyon.

Agad din silang pinalaya nang malaman na malinis ang kanilang record at walang ano mang kasong kinakaharap.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

(Mary Ann Santiago)