SASANDAL ang Perlas Lady Spikers sa karanasan sa kanilang pakikipagtuos sa matikas na Creamline Cool Smashers na pangungunahan ni star belle Alyssa Valdez sa pagsisimula ng PVL Reinforced Conference sa Linggo sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Isasabak ng Perlas ang mga beteranang sina Amy Ahomiro, Sue Roces, Dzi Gervacio, Ella de Jesus, Sasa Devanadera at Jem Ferrer, kasama ang seasoned reinforcement na sina Ruphia Inck ng Brazil at Naoko Hashimoto ng Japan.

Isinama rin sa grupo ang papasikat na sina Kat Bersola at Nicole Tiamzon ng UP Lady Maroons, gayundin sina Mae Tajima at Amanda Villanueva.

"The core of the squad has so much experience and we welcome the addition of Kat and Nicole, they will give this team energy," pahayag ni Yee.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Miyembro si Hashimoto ng powerhouse Bangkok Glass at Japan team na nagwagi ng silver medal sa 2013 Asian Championship sa Makhon Ratchasima, Thailand.

"She is 34 years old and has so much international experience. She can block and she can also hit," pahayag ni Yee.

Nakatakda ang laro ganap na 6:00 ng gabi.

Nasa line-up din bilang import ng Creamline sina American Laura Schaudt at Kuttika Kaewpin.